Poems

Patawad

Naglalakad pasulong, hinahanap ang landas patungo sa pag-ibig mo, ang pag-ibig na matagal na inasam. Ngunit ng makarating ay biglang napahinto, napatanong, ito na nga ba ang tamang pagkakataon upang harapin ang pag-ibig na itinadhana. Ito na nga ba ang itinakdang tadhana ng Maykapal. Sinubukan, minahal, ngunit hindi sapat ang nararamdaman. Ano nga ba ang dapat gawin? Itigil nang hindi na lumalim ang sugat na idinudulot, ang kasiyahang nauwi sa lungkot. Patawarin mo, mahal. Hindi ko nais na ika’y saktan, bigyan ng pag-asa. Hindi ko sinasadya. Maniwala ka man o hindi, totoo ang aking mga sinabi noong una. Ngunit maraming katanungan ang sa isip ay gumuguhit at nag-iiwan ng mas malalim pang katanungan. Sapat na nga ba ang panahon, oras, minutong inilaan upang masabing ikaw na nga? Sapat na nga ba upang masabing, mahal kita?
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s