Life

Siya na nga sana…

Capture

Hindi ko alam kung ano’ng meron ‘yung taong ‘to. He’s the exact opposite of what I like pero I’m falling for him everyday. Hindi siya tall, dark and handsome. Pero gwapo siya sa paningin ko. Wala rin akong pakielam kung hindi siya matangkad sa’kin or kung magkasing-tangkad lang kami, ang mahalaga sa ngayon, masaya ako. Masaya akong kausap siya, masaya akong nagke-care siya at masaya rin ako na tanggap niya ako.

And at this very moment, this moment I’m writing this, I can feel the tightening of my stomach and the curving of the sides of my lips. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako or kinakabahan na natataeng ewan. Basta habang sinusulat ko ‘to at iniisip ko siya, ‘yan ang nangyayari sa’kin, ‘yan ang nararamdaman ko. It’s like my heart is going to explode with so much gladness.

Yung mga sweet words, sweet gestures niya, yung mga simpleng sulyap niya, yung simpleng effort niyang makita ako, ramdam ko ‘yun. Hindi ko alam kung paanong nagsimula, pero ang alam ko lang, lalo akong humanga sa kanya nung malaman kong marunong siya sa buhay kahit hindi siya nakapag-college. Alam niya kung papaano mag-ipon at magsikap. Alam niya kung papaano humawak ng pera. Tumutulong pa siya sa family niya. Siya ang bunso sa kanila pero parang siya ang panganay dahil siya pa ang gumagawa ng way para mabigyan ng magandang buhay ang parents niya.

Sinong babae ang hindi mahuhulog?

Kung ‘yung iba nagpapaka-praktikal, ako pipiliin kong magpakatotoo sa nararamdaman ko. Kahit maghirap at kahit mag-dildil ng asin basta masaya kami. At bakit nauwi sa paghihirap at pagdidildil ng asin? Hahaha. Kasalanan niya ‘to, nag-open agad siya ng kasal, hindi pa nga siya nanliligaw.

Vinvin
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s