Random Daydream

Gusto Kita

Gusto kita.

Gusto kita pero ‘di ko masabi ng harapan. Hindi naman ako ganito, madalas naman kapag may gusto ako, nasasabi ko. Oo, malakas loob ko magsabi ng nararamdaman kahit alam ko naman na walang mangyayari. ‘Tsaka hindi naman kailangan na may mangyari, umaamin lang naman ako para mabawasan yung bigat ng pakiramdam, para lang mailabas ko yung feelings na itinatago ko. Pero pagdating sa’yo, nae-eprot ako. Ako pa talaga ang natotorpe sa’tin dalawa. Nakakatawa.

Pinigilan at tinuruan ko na ang sarili ko na ‘wag mahulog sa’yo dahil alam ko naman na meron kang gustong iba, meron kang mahal na iba. Sa ganon lang naman parating umiikot ang mundo ko kapag nagkakagusto ako. Gusto ko, ‘di ako gusto tapos may gusto pang iba. Parating one-sided. Parating hindi umaayon ang tadhana sa takbo ng dugo at ng happy hormones sa hypothalamus ko.

Kung tatanungin mo kung okay lang ako sa gano’ng set-up? Oo, okay lang. Sanay na ko. Parati naman gano’n. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako matuto-tuto. Paulit-ulit. Masarap kasi sa pakiramdam na ako yung dahilan kung minsan ng mga ngiti mo. Nakakagaan ng feeling. Masaya na kong makitang masaya ka rin, your smile is my happy pill. You are my happy pill.

Hindi ko rin alam kung kailan nagsimulang mahulog ako. Siguro nung oras na sabihin mong, “ang ganda ng ngiti ko.” Siguro nung oras na may masakit sa’kin at pinapakita mong nag-aalala ka. Siguro nung huling beses na hawakan mo ang kamay ko at laruin ang mga daliri ko. Siguro nung isang beses na laruin mo ang dulo ng buhok ko. Siguro nung minsan na alisin mo yung dumi sa mukha ko. Siguro nung isang beses na tumitig ka sa’kin at ngumiti ng pagkatamis tapos saka mo sinabi na, “ang ganda mo.”

Ang saya no’n. Ang saya sa pakiramdam na may naga-appreciate sa kung anong meron ako.

Alam kong hindi ko dapat bigyan ng kahulugan ang bagay na ‘yon pero sabihin mo nga masama bang umasa? Sige, hindi na lang ako aasa, susubukan kong hindi umasa na magkakagusto ka sa’kin. Susubukan kong ‘wag pansinin ‘yong ibang ginagawa mo. Susubukan kong ‘wag mahulog sa’yo ng tuluyan.

Pero ‘wag mo kong sisihin kung ‘di ko mapigilan ang hypothalamus ko sa pagpigil ng emosyon na ‘to ha? Hindi ko na hawak ang daloy ng happy hormones at kilig hormones sa katawan ko.

‘Wag ka rin umiwas kapag nalaman mo, ‘wag mo kong iwasan.

Sana magkaibigan pa rin tayo.

Maging magkaibigan pa rin tayo kahit malaman mong gusto kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s